Paligsahan sa pagsulat para sa mga estudyanteng dayuhan ◆Patnubay sa pagsusumite ng sanaysay
Gaganapin ng Asosasyon para sa Internasyonal na Palitan ng Lungsod ng Sakura ang paligsahan sa pagsulat para sa mga dayuhang estudyante.
◎Paksa: Ang mga natutunan ko habang nag-aaral sa Hapon
◎Karapat-dapat mag-aplay: Mga taong tumutugon sa mga sumusunod na kondisyon
Sa kasalukuyan, mga dayuhang estudyante na kasalukuyang nag-aaral sa unibersidad, graduate school, paaralang vocational o paaralang Hapon sa lungsod ng Sakura.
※Gayunpaman, ang mga nakibahagi na at nakatanggap ng parangal noong nakaraang pagkakataon ay maaari lamang mag-aplay sa antas na mas mataas kaysa sa dati.
◎Panahon ng pag-aapply: Mula ika-23 ng Setyembre (Miyerkules) hanggang ika-20 ng Oktubre (Martes) 2020
◎Mga parangal at gantimpala:
◇Pinakamataas na parangal. . . 1 tao / sertipiko at card pang-bili ng libro na nagkakahalaga ng 10.000 yen
◇Unang Gantimpala. . . Mga 3 katao / sertipiko at card pang-bili ng libro na nagkakahalaga ng 3.000 yen
※Ang mga nagwagi ay ipapahayag sa website ng asosasyon sa ika-20 ng Nobyembre (Martes) at ang awarding ceremony ay gaganapin sa ika-14 ng Disyembre (Lunes) sa bulwagan ng asosasyon.
◎Mga tuntunin sa pag-aplay:
Pumili ng isa sa mga antas sa ibaba.
◇Mataas na antas (antas N1 pataas) Hapon mga 2000 - 2400 na salita
◇Gitnang antas (katumbas antas N3, N2) Hapon mga 1600 - 2400 na salita
◇Pangunahing antas (katumbas antas N5, N4) Hapon mga 600 - 800 na salita
<Paraan ng pagsulat ng akda>
(1)Isulat sa wikang Hapon. Mga 1200 - 1600 na karakter.
(2)Ipadala ang nai-download na manuscript na naka-print at sinulat nang kamay, o maaari ring i-type sa computer at i-print, at ilakip ang cover page ayon sa patakaran at ipadala sa sumusunod na address.
(3)Tinatanggap lamang ang mga hindi pa nailathala (ang mga isinumite sa ibang paligsahan ay hindi tatanggapin)
Pagpaparehistro, konsultasyon
Nakatalaga sa "Paligsahan sa pagsulat para sa mga estudyanteng dayuhan" Asosasyon para sa Internasyonal na Palitan ng Lungsod ng Sakura
123-4567 Lungsod ng Sakura 〇〇Cho 1-2-5
Website: http://www.XXXXXXXXXX.XX Eメール:XXXX@XXXXXXXXXX